Sampung barangay sa Marawi City, hawak pa rin ng Maute Group

190

Manila, Philippines – Sampung (10) barangay pa sa Marawi City ang hindi ganap na malaya mula sa Maute Group.

Ayon kay Lt. Col. Chris Tampus – hindi pa nila naki-clear ang sampung barangay dahil sa pangambang may Maute pa roon.


Ito ay ang mga barangay ng Raya Madaya 1, Raya Madaya 2, Bangolo, Sabala Manao, Sabala Manao Proper, Datu Naga, Datu Sa Dansalan, Marinaut, Moncado Colony, Moncado Kadingilan at Lilod Madaya.

Dagdag pa ni Tampus, may ilang miyembro ng Maute ang pinaniniwalaang patungo sa direksyon ng Lanao lake.

Base rin sa namo-monitor nilang usapan sa radyo ng mga terorista ay nauubusan na ang mga ito ng pagkain at bala.

Samantala, ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra – may ilang terorista rin ang boluntaryong sumuko sa AFP.
DZXL558




Facebook Comments