K Brosas, muling pinatulan ang basher na tinawag siyang “inutil”

73

Galit na galit na buwelta at minura ng Comedienne/TV host na si K Brosas ang isang basher sa kanyang social media account matapos siyang tawaging “inutil”.

Say ni K, nasa “mood” siyang pumatol ngayon dahil sa masamang balita tungkol sa kanyang ina at kapatid sa Italy.


Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang kanyang kapatid na si Emily Brosas, isang nurse sa nasabing bansa dahilan kaya nahawa sa sakit ang kanyang ina.

Mababasa sa screenshot ng basher: “Isa kang inutil K Brosas! #nasaanangartista #nasaanangshowbiz”.

Sagot ni K, “Itong g***ng to, puro inutil ang mga post sa mga artista, May 2020 nagsimula sa Twitter, kaya alam na.”

Dagdag pa ng komedyante, “Mas madami pang nagawa ang mga artista kaysa sa mga kakulto mo, g***!”




Nag-ugat ang muling pagpatol ni K Brosas sa basher matapos siyang magbigay ng reaksyon sa trending photo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda sa Dolomite Sand sa Manila Bay.

Nakalagay kasi sa caption ni Usec. Antiporda, “Dolomite lang ang matatag.”

Ayon kay K, sobrang sakit lang at nakakagalit sa ibang government official na uunahin pa ang ganyan bagay habang sa mga kasagsagan ng kalamidad na nararanasan ng maraming Pilipino.

Facebook Comments