“Ka Ilyan”, Ihahatid Na Bukas sa Huling Hantungan

Cauayan City, Isabela – Ihahatid na sa huling hantungan si “Ka Ilyan” o Rolando Veloso Lee na naging mandirigma ng New People’s Army ng Cagayan at Isabela noong dekada 70 hanggang 90.

Si ka Ilyan na unang gumamit ng nom de guerre Ka Roland noong sumampa ito sa NPA noong 1978 ay nakilala sa Isabela matapos maging aktibo sa pag-organisa ng mga samahan at kooperatiba.

Naging kawani din siya pamahalaang panlalawigan ng Isabela matapos siyang magbalik loob sa gobyerno noong unang bahagi ng dekada 90 sa Provincial Cooperative Development Office at kalaunan ay nalipat sa Provincial Environment and Natural Resources Office.


Pagkatapos niyang manungkulan sa pamahalaan ay naging aktibo siya sa kasalukuyan niyang organisasyon na Patriotic Action for Democracy Equality and Reform (PADER ) na kung saan ay siya ang National President.

Sa ekslusibong panayam ni RadyoMaN Chris Estolas sa kanyang maybahay na si Ginang Normalita Lee na dati ring nasa kilusan at mas kilala noon na “Ka Joy” ay ililibing si ka Ilyan sa Aves Memorial sa Cauayan City bandang umaga ng Pebrero 4, 2018.

Facebook Comments