KAALAMAN NG MGA PDL SA KALIGTASAN SA KALSADA, PINALAWAK

Pinalawak ng LTO Binalonan District Office ang kaalaman ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Urdaneta District Jail Female Dormitory sa pamamagitan ng isang road safety seminar.

Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang aralin tulad ng traffic rules and regulations, pedestrian safety, road courtesy, at kahalagahan ng pagsunod sa batas upang maiwasan ang aksidente.

Layunin ng seminar na mabigyan ang mga PDL ng sapat na kaalaman para sa mas responsableng paggamit ng kalsada pagbalik nila sa komunidad.

Ayon sa LTO, ang ganitong mga programa ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa mas ligtas at disiplinadong kalsada sa buong rehiyon.

Facebook Comments