Kaayosan sa TODA Distrito 3, Maaring Isang Ordinansa!

Cauayan City, Isabela – Isang ordinansa ang maaring gawin ng barangay District 3 para malutas ang naging problema sa pagpila at pagtambay ng mga traysikel na mula sa ibang barangay sa TODA Distrito 3.

Ito ang naging mungkahi ni Sanguniang Panlunsod Member Reynaldo Q. Uy sa ginanap na committee hearing sa city council sa oras na alas tres ng hapon, February 27,2018.

Kaugnay nman ito sa unang inilatag ni Barangay Captain Bagnus Maximo Jr. ng District 3 mula sa situational report ng mga kasalukuyang TODA ng nasabing lugar kung saan karamihang pumipila sa mga estasyon ng TODA District 3 ay mula sa ibang barangay.


At pagdami rin ng mga nakatambay na traysikel sa iisang lugar na karaniwang nagdudulot ng abala sa mga mamimili at kakulangan ng espasyo ng paradahan sa gilid ng daan.

Ibinahagi pa ng kapitan na karamihan din sa mga pumipila ay di sumasang-ayon sa mungkahing membership fee upang maging maayos ang pagpasok at pagpila sa TODA Distrito 3.

Hindi nman dumalo sa committe hearing ang karamihang nagrereklamo o di sang-ayon sa kagustohan ng TODA Distrito 3, samantalang mas dumalo ang mga opisyal at miyembro ng nasabing barangay.

Dahil dito iginiit pa ng kapitan na maaring sagot na sa naturang problema ang pag-uusapan o gagawing ordinansa ng barangay.

Sinabi nman ni Hon. Salcedo T. Foronda na ipaparating pa sa tanggapan ng City Mayor ang gagawing ordinansa at pag-usapan din sa city council para maaprobahan bago ito ipatupad at maaring gawin din ito sa iba pang barangay dito sa Cauayan City.

Facebook Comments