Naghahanda ang ilang kababaihan sa Ukraine dahil sa pinangangambahang pag-atake ng Russia sa kanilang bansa.
Ang ilan sa mga kababaihan ay nag-aaral na maging sundalo tuwing weekend upang matuto kung papaano gumamit ng baril, magsagawa ng first aid, at martial arts skills.
Ayon sa isang beterano ng 2014 conflict sa Eastern Ukraine at nag-organisa ng military training courses para sa mga mamamayan na si Igor Pushkarev, dumami umano ang mga nagpapaturo sa naturang larangan dahil nananatiling mataas ang tensiyon ng posibleng pag-atake ng Russia matapos magtalaga daang-libong sundalo sa border ng Ukraine.
Samantala, itinatanggi naman ng Russia na may plano silang lusubin ang Ukraine ngunit nagbanta itong magsasagawa ng unspecified military measures kung hindi pagbibigyan ang kanilang kahilingan na huwag gawing miyembro ng North Atlantic Organization (NATO) ang Ukraine.