Angelica Panganiban, naglabas ng panibagong video patungkol sa mga ‘manloloko’

“Wag na tayo magpauto, at por diyos, por santo, ‘wag bumoto ng magnanakaw.”

Ito ang sinabi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang panibagong inilabas na video na layong hikayatin ang mga botante na bumoto nang tama ngayong papalapit na ang May 9 Elections.

Sa kaniyang dalawang minutong video, nagbabala ang aktres laban sa mga “scammers” na sinasamantala umano ang COVID-19 pandemic.


Kasunod nito, sinabi rin ni Panganiban na hindi na dapat magpaloko pa ang mga Pilipino lalo na kung may history na ito ng ‘pambubudol’.

Samantala, wala namang binanggit ang aktres kung sino ang tinutukoy nito sa video.

Facebook Comments