KABATAANG ALAMINIAN, AKTIBONG LUMAHOK SA ZERO WASTE DRIVE

Pinalawak ng Alaminos City ang kaalaman ng ilang mag-aaral sa kolehiyo tungkol sa responsableng pangangalaga ng kalikasan matapos magsagawa ng Information Drive at Palit Basura Caravan ang City Environment and Natural Resources Office bilang bahagi ng Zero Waste Month 2026.


‎Tinalakay sa programa ang RA 9003 o batas sa wastong pamamahala ng basura, na nakatuon sa tamang paghihiwalay, pagbabawas, at pagre-recycle. Ibinahagi rin ang mga programang pangkalikasan ng lokal na pamahalaan at binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad.


‎Nagbigay ng mga paalala ang mga kinatawan mula sa lokal at pambansang ahensya hinggil sa responsableng pagtatapon ng basura.

Nagtapos ang aktibidad sa Palit-Basura Caravan, kung saan nakalikom ng 793 kilo ng mga pwedeng i-recycle na basura bilang patunay ng aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral sa adbokasiyang pangkalikasan.

Patuloy ang pag-arangkada ng programa sa iba’t-ibang sektor bilang nagkakaisang hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.

Facebook Comments