Tuesday, February 3, 2026

KABATAANG SAN CARLENIAN, NANGUNA SA WORLD ARCHERY PHILIPPINES NATIONAL YOUTH TEAM SELECTION

Nanguna ang isang kabataang San Carlenian sa Philippine Sports Commission–World Archery Philippines (PSC-WAP) National Youth Team Selection matapos mag-rank 1 sa kategoryang U18 Women Recurve (60 meters).

Kinilala ang atleta na si Leila Jell C. Cano matapos makapagtala ng 668 points sa 72 arrows, na itinuturing ding bagong Philippine record sa naturang kategorya.

Batay sa resulta ng selection, ang naturang tagumpay ay nagbigay-daan upang mapabilang siya sa mga pangunahing atleta na isinasaalang-alang para sa National Youth Team ng bansa. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments