Sa kauna-unahang “Tapatan sa ARMM” para sa taung 2018 ay ibinahagi ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang ilan sa maituturing na tagumpay at kabiguan ng ARMM.
Inihayag ni Gov. Hataman na “security” ang failure ng ARMM noong nagdaang taon, ito’y dahil sa nangyaring halos limang (5) buwang Marawi siege, paglakas ng kampanya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bagamat bahagyang naibsan ang kidnapping incidents sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi (BASULTA) dahil sa pagkaka-neutralize ng militar sa key kidnapper personalities tulad nina Abu Rami, Al Habsi, samantalang si Esnilon Hapilon na umalis ng Basilan ay nasawi naman sa Marawi city.
Maituturing naman na isang malaking achievement ng ARMM ang pagkamit ng DILG SEAL OF LOCAL GOVERNANCE ng 22 LGUs sa buong rehiyon noong 2017 mula sa 6 noong 2016.
Sinabi ni Gov. Hataman na indikasyon ito na gumagana ang gobyerno sa ARMM.
Kabiguan at tagumpay ng ARMM noong 2017!
Facebook Comments