KABSAT JOB FAIR, GAGANAPIN SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY – Ilulunsad ang Kabsat Job Fair: Trabaho para sa Santiagueño sa ika-23 ng Oktubre sa Lungsod ng Santiago.

Ito ay inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa pamamagitan ng Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng 2024 PESO Month Celebration sa Lungsod ng Santiago kung saan inaanyayahan lahat ng job seekers na dumalo at makiisa sa naturang programa.


Samantala, layunin ng job fair na mabigyan ng oportunidad ang mga Santiagueños na makahanap ng trabaho at matupad ang kanilang pangarap na trabaho sa buhay.

Facebook Comments