Kabutihang Loob ng Braveheart Riders

33

Nagkaroon ng mission ang grupong Braveheart Riders ngayong araw sa Baguio City upang tulungan ang mga kapatirang kapus palad. Umikot ang grupo sa lugar sa Baguio na kung saan pwede silang mag-abot ng pinansyal na tulong. Nagmula ang grupo sa Cavite at umakyat dito sa Baguio City at pagkatapos ay paparoon sa Pangasinan at Iloilo upang tulungan ang ibang nangangailang doon. Ginagawa ito ng grupong Braveheart Riders upang mamasyal gamit ang kanilang motor at upang mapuntahan ang mga kapatid na nangangailangan ng tulong. Sila ang National Braveheart Riders at mayroon din silang international na grupo.

Ngayong hapon, magkakaroon muna sila ng pamamasyal dito sa lungsod para magrelax at pagkatapos ay bibiyahe muli sa kanilang susunod na mission.

Facebook Comments