Kabuuang 1.17-M na mga pasahero, dumagsa sa NAIA terminals nitong Semana Santa

Umabot ng mahigit 1.17 million na mga pasahero ang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals mula April 13 hanggang 20 o nitong Semana Santa.

Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), katumbas ito ng pagtaas ng 12.7% sa volume ng mga pasahero sa NAIA kumpara ng Mahal na Araw noong nakalipas na taon.

Batay sa record ng NNIC, kahapon, Easter Sunday, ang naitalang pinakamaraming mga pasahero sa NAIA na umabot ng mahigit 156,000.

Habang ang daily average naman nitong Holy Week ay pumalo ng mahigit 146,000.

Kinumpirma rin ng NNIC na tumaas ang international passenger traffic ng 11.21% nitong Semana Santa habang ang domestic ay 14.19%.

Ayon sa NNIC, naitala naman sa NAIA terminals ang on-time performance sa 83.28% kung saan walang eroplano ang naantala ang paglanding at pag-take off sa harap ng pagbuhos ng mga pasahero.

Nananatili namang naka-alerto ang mga awtoridad sa NAIA sa harap ng pagdagsa ng mga pasahero ngayong nakabakasyon ang mga estudyante.

Facebook Comments