
Inanunsiyo ng Vatican na pumanaw na si Pope Francis sa edad na 88 ngayong Easter Monday.
Sumakabilang buhay ang Santo Papa sa kaniyang tirahan sa Casa Santa Marta sa loob ng Vatican City.
Bago yan, nagawa pang magpakita ng lider ng Simbahang Katolika sa mga mananampalatayang nagtungo sa St. Peter’s Basilica kahapon kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
Nakapagdaos pa rin ng “Urbi et Orbi” blessing si Pope Francis sa huling pagkakataon.
Nahalal na ika-256 na Santo Papa si Pope Francis o Jorge Mario Bergolio ng Argentina noong March 2013.
Facebook Comments