Umabot na sa 972,429 returning overseas Filipinos ang umuwi sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa datos ng Department of Health (DOH), 14,284 sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 habang ang iba ay nakauwi naman agad sa kanilang bahay matapos na makumpleto ang mandatory quarantine.
Sa bilang na ito, 8,975 ang land-based ROFs na nagpositibo sa virus habang 5 ,309 ang sea-based.
328 naman sa mga umuwing overseas Filipinos ang nananatiling naka-admit habang 13, 844 ang gumaling na.
Anim naman ang binawian ng buhay dahil sa virus.
Facebook Comments