Kabuuang Bilang ng COVID-19 Cases sa Region 2, Higit 5,000

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 5,691 ang naitalang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, nakapagtala kahapon, Enero 9, 2021 ng limampu’t walong (58) positibong kaso ng COVID-19 mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.

Mula sa 5,691 na total confirmed cases sa rehiyon, 5,034 na rito ang gumaling.


Ang lalawigan ng Cagayan ay mayroon pang 168 na aktibong kaso, 340 sa Isabela; 39 sa Santiago City; 14 sa Nueva Vizcaya at nananatiling COVID-19 Free ang probinsya ng Batanes at Quirino.

Kaugnay nito, tumaas naman sa 93 COVID-19 Positive patients o nasa 1.63 porsyento ang naitalang nasawi sa buong rehiyon.

Facebook Comments