MANILA – Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang pinal na ulat nito sa kaso ng firecrackers related injuries mula December 21,2016 hanggang January 6, 2017.Sa nabanggit na panahon ay nakapagtala ang DOH ng 630 na kaso.Ito ay 34% o 319 cases na mas mababa kung ihahambing sa parehong panahon sa nakalipas na limang taon o 2011-2015.Sa 630 na kaso ng fire related injuries – 627 ang naputukan ng paputok, habang 3 ang nakalulon ng firecrackers.Wala namang naiulat na nasawi.Nangunguna ang NCR sa may pinakaraming firecracker related injuries na may bilang na 340, sinisundan ng Western Visayas na nakapagtala ng 78, kasunod ang region 3 na may 47 na kaso.Sa NCR, nangunguna ang Maynila na may 112 ng kaso, kasunod ang Quezon city na may 76, at Marikina na nakapagtala ng 27 na kaso.Karamihan sa mga nasugatan ay nasa edad na kinse at nangunguna pa din ang piccolo bilang sanhi ng mga nabanggit na sugatan.
Kabuuang Bilang Ng Mga Naputukan Noong Bagong Taon, Umabot Pa Sa 630
Facebook Comments