
Isinulong ng mga kongresistang kasabi ng Makabayan Bloc na maitaas sa P150,000 mula sa kasalukuyang P90,000 ang “cap” o “ceiling” ng kabuuang halaga ng 13th month pay, Christmas bonus, at iba pang kaparehong benepisyo na hindi papatawan ng buwis.
Ito ay nakapaloob sa House Bill 7661 o panukalang batas na inihain ni Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylsit, Sarah Elago ng Gabriela Women’s Party, at Renee Co ng Kabataan Partylist.
Ayon sa Makabayan Bloc, kapag naging batas ang kanilang panukala ay pakikinabangan ito ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.
Layunin ng hakbang ng Makabayan Bloc na maibsan ang pasaning dulot ng kinakaltas na buwis sa sweldo ng mga pangkaraniwang manggagawa sa bansa.
Giit ng Makabayan Bloc, kailangang maisabatas sa lalong madaling panahon ang kanilang panukala ay makakatulong ito sa pagtugon sa apela ng labor sector at publiko na umento sa sahod at pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin.










