Manila, Philippines – Tama lang para kay Senator Bam Aquino na ibalik ng pamilya Marcos ang kanilang yaman sa gobyerno.
Kaugnay nito ay pinapakilos ni Senator Aquino ang Presidential Commission on Good Government o PCGG na i-compute mabuti ang kabuuang halaga o current value ng salapi na dapat isauli ng pamilya Marcos.
Giit ni Aquino, alam ng buong mundo na ninakaw ng pamilya Marcos ang kanilang yaman mula sa pamahalaan.
Hindi aniya totoo ang ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang nasabing salapi ay itinago lamang ng pamilya Marcos sa loob ng ilang dekada.
Samantala, si dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. naman ay nananatiling walang kibo at hindi pa rin naglalabas na anumang statement ukol sa nasabing plano ng kanilang pamilya.