Kadiwa Center, pinalawak pa ng DA sa pamamagitan ng pagtatayo ng pop-up stores sa mahigit 100 PhilPost Office sa buong bansa

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Agriculture (DA) at matataas na opisyales ng Philippine Postal Corp. (Philpost) upang palawakin ang Kadiwa ng Pangulo Program.

Ito ay bahagi ng mga hakbang para makapagtayo ng mas marami pang mga Kadiwa Center sa buong bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang partnership na ito ay isang patunay sa kapangyarihan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga institusyon upang magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino.


Sa ilalim ng kasunduan, ang DA ay magbibigay ng teknikal at administrative support para sa operasyon at pagtatatag ng Kadiwa Stores kabilang na ang pagsusuplay ng mga murang agricultural products sa pamamagitan ng mga farmer’s cooperatives.

Ang PhilPost ay mayroong 1,100 opisina sa buong Pilipinas at 67 rito ay nasa Metro Manila at Luzon.

Target ng DA na makapagtayo ng 1,500 Kadiwa Stores sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa taong 2028.

Facebook Comments