‘KADIWA’ Store ng DA, Kauna-unahan sa Lambak ng Cagayan na Pinasinayaan

*Cauayan City, Isabela*- Binuksan na ang kauna-unahang ‘KADIWA’ Store sa Lambak ng Cagayan mula sa Department of Agriculture na pinangunahan ng iba’t ibang kinatawan ng nasabing ahensya sa rehiyon dos at ni Assistant Secretary Kristine Evangelista ng Agribusiness and Marketing ng DA Central Office.

Ito ay bilang pagsuporta sa mga magsasaka upang makakuha ng dagdag na pagkakakitaan maging ang mga mamimili ay magkaroon ng sapat na pagkain na dumaan sa ilang masusing proseso.

Ayon kay DA Assistant Sec. Evangelista, ito ay pagsuporta sa mga maliliit na magsasaka upang malaman kung saan pwede maibenta ang kanilang produksyon.


Sinabi naman ni Regional Technical Director for Research and Regulatory Rosemary Aquino, sa ngayon ang mga magsasaka at mangingisda ay dapat umakto na isang negosyante.

Matatagpuan naman ang Kadiwa Grocery sa harap mismo ng DA-RFO Multi-Purpose Cooperative sa Cagayan.

Facebook Comments