Matinding pasensya ang dapat baunin ng mga motorista na dumaraan ngayon sa kahabaan ng Marcos Highway mula Marikina City hanggang Cainta, Rizal.
Ito ay dahil dalawang kilometro lang naman ang haba ng bubunuin ng dadaan ngayong oras na ito sa Major Highway sa Eastern Part ng Metro Manila.
Maging si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic CZAR Police Colonel Bong Nebrija ay napasugod na sa lugar dahil sa report na namo-monitor ng MMDA ay usad pagong na ang pila ng natatrapik na mga pribadong sasakyan.
Walang pampublikong sasakyan sa lugar kundi pawang mga private vehicle lamang.
Kung Waze ang pag-uusapan ay halos isang oras at kalahati ang haba ng paghihintay bago matawid ang dulo ng matinding trapik.
Facebook Comments