Kahalagahan ng mga Mamamahayag, Kinilala ng 5th. Infantry Star Division!

Cauayan City, Isabela – Kinilala ni Major General Perfecto RimandoJr., Commanding Officer ng 5th Infantry Star Division Philippine Army, ang kahalagahan ng mga mamamahayag dito sa rehiyon dos.

Aniya, isa sa pinakamalaki ang tungkulin ay ang mga media upang makamit ang kapayapaan at maihayag ang mga ginagawa ng kasundaluhan at maiparating sa mga mamamayan ang kanilang nais na ipahayag hanggang sa mga liblib na lugar.

Naniniwala ang nasabing opisyal na malaki ang ginagampanang tungkulin ng media upang maiparating sa mga kalaban ng gobyerno ang mga programang inilaan para sa sinumang nais na bumalik sa gobyerno.


Mahalaga umano na mapanatili ang magandang relasyon ng media at kasundaluhan upang mapagtagumpayan ang inaasam na kapayapaan.

Si Major General Rimando Jr. ay naging panauhing pandangal sa kauna- unahang Media Fellowship na tinaguriang 3rd. Perfect Star Fun Shoot.

Sa naturang Fun Shoot ay ipinasubok at itinuro sa mga mamamahayag ang tamang paghawak at paggamit ng mga makabagong armas na ginagamit ngayon ng 5th Infantry Star Division.

Ito ay ang paggamit ng armalite rifle at caliber 45 na mga ramas ng mga kasundaluhan dito sa lalawigan ng Isabela.

Dumalo rin sa 1st. Media Fellowship ang ilan pang matataas na pinuno ng unit sa 5th. Infantry Star Division.

Facebook Comments