Kahalagahan ng pagbibigay ng incentives para makahikayat na magpabakuna, iginiit ni Las Piñas Representative Camille Villar

Naniniwala si House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar na malaki ang maitutulong ng pagbibigay ng insentibo sa mga residente para mas mahikayat na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cong. Villar na naglunsad sila ng programa kung saan maaaring manalo ng motorsiklo at house and lot naman para sa grand prize ang isang indibidwal na nabakunahan na.

Pagtitiyak naman ng kongresista, lahat ng mga taga-Las Piñas ay maaaring sumali kahit isang dose pa lamang ang kanilang natatanggap na bakuna.


Sa ngayon ay pwede nang mag-fill up ang mga residente ng Las Piñas na nabakunahan na at ilagay ito sa mga drop boxes sa kanilang mga barangay hall para sa tyansang manalo ng bahay at lupa.

Facebook Comments