Ipinaliwanag ng isang eksperto ang kahalagahan ng surveillance at pag-obserba sa minimum public health standards para makontrol ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Anna Lisa Ong-Lim ng Department of Health – Technical Advisory Group, natural lang sa isang virus ang mag-mutate pero wala naman itong masyadong naging epekto sa pagkalat ng COVID-19.
Ibig sabihin aniya, ang virus ay tulad ng living organisms na nagbabago kapag tumatagal.
Sabi pa ni Ong, bagama’t hindi pa nadedetect sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID mula sa United Kingdom, hindi malayo na nakapag-mutate na ito sa bansa.
Muli namang nagpaalala si Ong sa publiko na pairalin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.