Isinailalim sa “Face-To-Face Assessment” ang LDRRM – Emergency Operations Center (EOC) ng San Carlos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang makita ang kahandaan ng tanggapan sa pagtugon sa kalamidad o sakuna.
Pinangunahan ang nasabing programa ng Office of the Civil Defense (OCD) Operations Service Region I na pinangunahan naman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Dumaan ang lungsod sa masusing pagsusuri at balidasyon ang CDRRMO ng lungsod ng San Carlos gayundin ang kanilang kagamitan at pasilidad para maihanda ang mga ito sa panahon ng mga hindi inaasahang sakuna.
Ininspeksyon ang mga mahahalagang dokumento tungkol sa operasyon ng tanggapan at ang itinatayong bagong CDRRMO building na matatagpuan sa barangay Agdao.
Tinignan rin sa ginawang assessment ang kahandaan ng LGU San Carlos City sa panahon ng mga sakuna lalo na sa pagtugon sa pangangailangan ng rescue, evacuation at marami pang iba. | ifmnews
Facebook Comments