KAHANDAAN SA KALAMIDAD AT EMERHENSIYA, MAS PINALALAKAS SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Mas pinaiigting pa sa Dagupan City ang disaster preparedness. Alinsunod dito, nagsagawa ng Emergency Preparedness and Response Training sa pangunguna ng CDRRMO at BFP sa tatlumpo’t-siyam na mga barangay responders.

Tinalakay sa pagsasanay ang First Aid, Basic Life Support, at Fire Safety Orientation.

Tinuruan ang mga kalahok ng tamang emergency care at fire rescue techniques sa pangunguna ng mga eksperto mula sa BFP.

Kasabay nito, isang bagong ambulansiya mula sa BFP National Headquarters ang napasakamay sa Dagupan City Fire Station.

Ang karagdagang ambulansya ay inaasahang magpapabilis sa medical at emergency response ng lungsod bilang bahagi ng patuloy na paghahanda laban sa sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments