*Cauayan City, Isabela*- Ipinagpaliban pansamantala ng konseho ng Lungsod ng Cauayan ang kahilingan ni Mayor Bernard Dy na magpasa ang City Council ng isang resolusyon na magbibigay pahintulot sa kanya na pumasok sa kasunduan sa Lanbank.
October 21 ng makatanggap ng sulat ang City Council mula sa tanggapan ng alkalde na payagang magkaroon ng kasunduuan si Mayor Dy at pamunuan ng Landbank para sa Electronic Salary Loan na may kaugnayan sa pag amyenda ng probisyon ng livelihood load facility ng mga empleyado ng local na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.
Sumailalim na ito sa unang pagbasa noong nakaraang lingo sa isinagawang sesyon ng sangguniang panlungsod pero hinarang ito ni City Councilor Paul Vincent Mauricio, Chairman ng Committee of Laws and Governance.
Ayon kay Mauricio, ipapatawag muna nila ang pamunuan ng landbank para maitama ang iba pang kondisyon at proseso dahil batay sa nakuhang impormasyon na ang mga regular na empleyado lamang ang makakapag avail ng mga ito at hindi rin malinaw sa konseho kung pati ang mga contractual na mga empleyado ay papayagang makapag avail dito maging kung ang mga elected officials.
Kinwestiyon din ng konsehal na bakit sila hindi kasali sa makakapag avail kung sila naman ang magpapasa ng isang ordinansa.
Nilinaw nito na hindi siya tutol ditto npero kailangan lang nilang malinawan at kailangan dumaan ang lahat sa tamang proseso at kung sakaling maging maayos ang lahat at tiyak na makakatulong ito sa lahat ng empleyado ay wala umanong dahilan para hindi ipasa ang ordinansang magpapahintulot kay mayor Dy na makipagkasundo sa landbank para sa electronic salary loan.
Samantala, isang regular na empleyado ang humiling na huwag na tumangging pangalanan ang nagpahatid ng impormasyon at ayon sa kanya kung susuriin sa unang tingin ay isa lamang itong porma ng negosyo.
Hinaing ng ilang empleyado na mas maganda ang livelihood program ang ibigay sa kanila habang pumapasok ay siguradong may maaasahan silang income.