Kahilingan ni Rappler CEO Maria Ressa na mabasura ang kanyang kasong Cyber Libel,hindi pinagbigyan ng Korte

Tuloy ang arraignment ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa Cyber Libel case laban kay online news site Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher Reynaldo Santos Jr.

Ito ay matapos ibasura ng Manila RTC Branch 46 ang motion to quash ng Rappler  sa cyberlibel na inihain ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Ayon kay Manila RTC Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, wala silang nakitang merito sa hirit ng Rappler Bukas naman ang arraignment sa kaso ni Ressa  dakong alas-8:30 ng umaga.


Nag-ugat ang reklamo sa isinulat ng Rappler na artikulo laban kay Keng taong 2012 na muling na-publish noong taong 2014.

Facebook Comments