Kahimunan Regional Trade Fair 2017 at Cowboy Festival, isasagawa sa Cagayan de Oro ngayong araw

Isasagawa ngayong araw ang Kahimunan Regional Trade Fair 2017 at Cowboy Festival bilang parte sa mga aktibidades sa kapistahan sa lungsod ng Cagayan de Oro na tinatawag na Higalaay 2017.

Ngayong araw sisimulan ang Kahimunan Regional Trade Fair 2017 na tatagal hanggang August 29 ngayong taon sa SM Downtown Premier.

Samantala isasagawa din ngayong araw ang Cowboy Festival, hanggang August 20 ngayong taon sa SM Uptown.


Bandang alas 6 naman ng gabi, isasagawa ang mega fashion show sa Centrio Ayala Mall para sa Miss Cagayan de Oro 2017.

Dahil dito, pina-alalahanan ng kapulisan ang taumbayan na huwag magdala ng kutsilyo o baril, iwasan din ang paggamit ng backpack, pagsuot ng sumbrero, pagdala ng payong, paninigarilyo, panonood ng lasing, pag bomb joke, at pagtitinda sa dadaanan ng parada.

By: Kasamang Joanna Ricote

Facebook Comments