Kahit napabalitang break na, Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger – nagcelebrate ng b-day kasama si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach

Manila, Philippines – Masayang nag-celebrate ng kanyang birthday ang Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger kahapon.

Bukod rito, kasama ni Marlon ang girlfriend na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kahit napabalitang break na sila.

Mismong ang 26-year-old car racer ang nagbahagi ng larawan nila ng dating Pinay Miss Universe na tila naglalakad at pareho ring nakasuot ng shades, pero walang anumang caption.


Marami naman ang kinilig dahil mistulang hindi raw tuluyang naghiwalay ang dalawa sa kabila ng isyung mayroon nang anak si Marlon sa isang modelo.

Facebook Comments