Bohol, Philippines – Wala ng presensya ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Bohol.
Ito ang kinumpirma ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.
Kasunod ito nang pagkakapatay sa natitirang miyembro ng ASG kanina sa Sitio San Vicente Brgy. Lawis, Bohol.
Ayon kay Padilla, nanlaban umano ang bandido nang tangkaing arestuhin ng mga awtoridad sa Sitio San Vicente Brgy. Lawis – isang daang metro mula sa pinangyarihan ng engkwentro kaninang tanghali kung saan ito nakatakas at kung saan din napatay ang isa pang miyembro ng Abu Sayyaf.
Nakuha sa napatay na bandido ang isang kalibre 45 batil at apat na ammunition.
Kinilala ang dalawang nasawing Abu Sayyaf na sina Abu Asis at Abu Ubayda.
Dahil dito, lahat ng bandidong nakapasok sa Bohol noong Abril ay na-neutralized na ng mga otoridad.
DZXL558 <#m_5400665821549912040_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>