Aminado si Gilas Pilipinas Player Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.
Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.
Maganda naman ang ipinamalas nitong laro pero hindi kuntento ang 7-foot-3 cager.
Kaya dahil dito, tuloy lang si Sotto sa ensayo para mas lalo pang mahasa ang kanyang talento.
Matatandaan na nabigo si Sotto sa tangka nitong maging kauna-unahang purong Pinoy player na makapasok sa NBA.
Walang kumuha kay Sotto sa 2022 edisyon ng NBA Annual Rookie Draft ngunit hindi ito nawawalan ng pag-asa dahil may tiyansa pa rin siyang makapasok sa NBA sa tamang panahon.
Sa ngayon, balik sa Adelaide 36ers si Sotto para sa nakatakdang pagbubukas ng 2022-2023 season ng Australia National Basketball League (NBL).