“Food is Life”, sabi nga nila at sa sobrang sarap kumain, nagiging dahilan na ito ng pagtaba nating mga Pinoy. Ngunit alam ba ninyo na mayroong mga pagkain na nakakatulong upang ikaw ay pumayat.
Narito ang ilan sa mga pagkain na hindi lang magpapabusog sa iyo kundi makakatulong din sa iyong pagpapapayat:
ITLOG
Isa ang itlog sa mga pinakamasusustansyang pagkain. Alam niyo ba na ang isang nilagang itlog ay may Vitamin A, Folate, Vitamin b5, phosphorus at selenium. Dahil sa mataas na protein nito, kadalasang ginagamit ito ng mga gym-goers dahil nakatutulong ito sa muscle development. Nakababawas din ito sa ating midnight cravings by 60%.
SAGING
Bukod sa masarap ito ay pwede gawing panghimagas, ang saging ay sagana sa fiber na makatutulong sa digestion. Siksik din ito sa nutrients gaya ng potassium, calcium, at iron na nakatutulong sa maayos na pangangatawan. Makakatulong ito sa pagpapapayat kahit na high in sugar ito basta’t hindi sasabayan ng mga fatty o matatabang pagkain.
FISH
Gaya ng itlog, high in protein ang mga isda kaya nakatutulong din ito sa ating muscle development. Ang mga isda gaya ng tilapia, lapu-lapu bangu at tuna ay may omega-3 na nakabubuti sa ating puso. Hindi nakakataba ang isda dahil halos wala itong saturated fat. Alam niyo ba na ang pagkain ng isda, isa o dalawang beses sa isang linggo ay nakatutulong din sa depression kaya iwas mag stress eating.
GULAY
Mayaman sa nutrients ang vegetables o gulay. Mataas din ang water content ng mga gulay kaya naman fat-free, low calorie at feeling full ka sa ang mga ito. Sa katunayan pa nga ay tinatawag na “negative calorie food” ang mga vegetables dahil sa taglay nitong dietary fiber na nakatutulong sa ating digestion.
KAPE
Hindi lang basta pampagising, kundi nakakatulong din ito sa pagbabawas ng ating timbang, dahil sa taglay nitong caffeine, napapabilis ang ating metabolismo at nagkakaroon ng fat burning sa ating katawan. Ang maganda pa dito, ayon sa FDA, maaaring uminom ng tatlo hanggang apat na tasa ng kape araw araw. Nakakabusog, nakakagising at nakakapayat pa ito.
Article written by May Paraon