Amerika – Dahil umano sa paggawa ng diaper ay yumaman ang isang babae sa News Hampshire sa Amerika.
Pero ibang klaseng diaper ang ginagawa ni Julie Baker dahil exclusive lang daw ang diaper na ito para sa mga manok.
Nagiging uso daw kasi sa urban areas tulad ng New York, Denver at Los Angeles ang manok bilang pets bukod sa mga traditional pets na aso at pusa.
Ginagawa pa nga umanong status symbol ang pag-aalaga ng manok sa Amerika.
Ayon kay Julie, gumawa lang daw siya ng diaper para lang sana sa alagang manok ng kanyang anak ngunit dumami ang nakakita ang nagpagawa rin sa kanya hanggang sa naging sikat na nga siya.
Sa ngayon ay gumagawa si Julie ng 500 hanggang 1,000 diaper ng manok kada buwan para sa 50 states sa Amerika.
Naibebenta niya ito ng 18 dollars kada isa at kumikita ng 50,000 dollars kada buwan o katumbas na 2.6 million pesos.