MAY FOREVER! | Nikki Valdez at non-showbiz boyfriend, ikinasal na

Ikinasal na kaninang alas 3:00 ng hapon ang singer na si Nikki Valdez sa non-showbiz boyfriend na si Luis Garcia.

Nabatid na itinago ni Nikki ang petsa ng araw ng kanyang kasal ngunit tila nabuking ito ng kanyang mga kaibigan sa publiko makaraang magkomento sa post ng singer/actress sa kanyang instagram.

Nagpost kasi si Nikki kahapon ng kanyang picture na dumating na siya sa Hong Kong.


Bagamat hindi siya nagbigay ng detalye sa kanyang kasal, nakalagay naman sa post niya na “landed. In pink!!! The next days will be the best of my life!!!” kung saan inulan ito ng best wishes greetings sa kanyang mga kaibigan.

Tatlong taong nang naging magka-relasyon sina Nikki at Luis kung saan noong Pasko ay na engaged sila.

Una nang ikinasal si Nikki sa Filipino-Canadian na si Christopher Lina noong 2007 pero naghiwalay noong 2009 at nag-divorce noong 2011.

Facebook Comments