KAKAIBA | Lalaki sa London, UK – 34 na taong hindi naranasang dumighay

London – Kung para sa iba, nakakahiya at offensive ang pagdighay, para sa 34-year old na lalaki mula London, UK, ito ang hinahanap ng kanyang katawan.

Baby pa lang daw si Neil Ribbens, hindi na siya dumidighay – isang rare condition na hindi rin alam maging ng mga doktor kung ano ang tawag.

Dahil sa kondisyong ito, nakakaranas daw siya ng sobrang sakit at hirap sa pag-sinok at paglobo ng tiyan lalo na kapag marami siyang nakakain, at kahihiyan kapag umuutot na tanging paraan lang daw niya para mailabas ang gas sa kanyang katawan.


Hanggang sa nakilala niya ang manchester-based surgeon na si Yakubu Karagama na gumamit ng botox-based treatment sa kanyang sakit.

Ginagamit ang botox sa cosmetic surgery na pampabanat ng wrinkles pero kung ituturok sa muscles ay nakakatulong raw para gawin itong less stiff.

Facebook Comments