Kris Bernal may mensahe muli sa kanyang mga basher

106

Manila, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash – ‘confidently beautiful’ pa rin ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang beach vacation sa Langkawi, Malaysia nitong Holy Week.

Sa kanyang instagram post, ibinida ni Kris ang kanyang bikini photos kalakip ang caption na “embrace your imperfections. Own it. Live with it” – na isang body-positive message para sa kanyang fans.

At para naman sa mga bashers, say ng aktres, hindi niya hahayaang dikatahan ng mga ito ang kanyang buhay.

Samantala, ini-reveal na ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na baby girl ang kasarian ng kanilang unang anak.

Pero bago ito, nagkaroon pa ng botohan o hulaan ang buong pamilya ng mag-asawa kung baby boy o baby girl ang kanilang ipinagbubuntis ng aktres.

Facebook Comments