Ikinagulat at agad pinag-usapan ng netizens ang kakaibang liwanag na nakita sa kalangitan Sabado ng gabi, Abril 11, na tinawag nilang “space jellyfish.”
Ayon kay Marrian Castro, nang makita niya ang mga post tungkol sa nasabing phenomenon, nabigla ito ngunit napawi rin nang may maglabas ng paliwanag.
Hindi naman nabahala si Mark nang makita ang nasabing kakaibang ilaw. Aniya, huwag daw sanang magdala ito ng takot sa mga tao.
Ayon sa mga eksperto, ang nasabing phenomenon ay dulot ng rocket launch mula sa Haiyang Space Center sa bansang China.
Ang rocket na Jielong-3 o “Smart Dragon 3” ay isa umanong commercial solid-propellant carrier rocket na ginagamit para sa mabilis at mas murang paglulunsad ng mga satellite.
Bukod sa ilang parte ng Luzon, namataan din ang naturang “space jellyfish” sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa kabila ng kakaibang itsura nito, tiniyak ng mga eksperto na wala itong panganib at isa lamang itong epekto ng rocket plume na naiilawan ng sikat ng araw sa mataas na bahagi ng atmospera. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






