China – Nakaisip ngayon ng kakaibang paraan ang mga otoridad sa Wuhan para malunasan ang tumataas na kaso ng jaywalking.
Nabatid na naglagay sila ng “automatic pedestrian gates” kung saan kahalintulad ito sa isang toll gate subalit wala naman itong bayad.
Sinasabing automatic bababa ang harang kapag nag-red light ang traffic sign at automatic din itong aangat kapag nag-green light naman.
Nabatid na maraming paraan na ang ginawa ng mga opisyal sa Wuhan kung saan halimbawa dito ay pinapasuot nila ng green na sumbrero ang mga offenders, naglalagay ng pulang pintura sa pavement para mag-dalawang isip muna ng ang mga tatawid at naglagay din sila ng injured mannequins na posibleng mangyari kapag nag-jaywalking sila pero ang lahat ng ito ay binawela ng mga offenders.
Wala naman ligtas ang nagbabalak na tumalon o hakbangan ang mga nasabing pedestrian gates dahil mayroon itong mga cctv cameras na palaging mino-monitor ng mga pulisya kaya’t siguradong mahuhuli ka pa rin kahit na nakatawid ka na.
Nation