Kakulangan ng Ilaw sa Daan, Sanhi ng Kadalasang Aksidente!

Ramon, Isabela – Isa sa problema at dahilan ng kadalasang aksidente ng mga motorista sa national highway ng Ramon, Isabela ay ang kakulangan ng ilaw.

Ayon kay Police Inspector Leonel Asistores, Deputy Chief of Police ng PNP Ramon na may plano ang pamunuan nito na iparating sa local na pamahalaan ng Ramon ang pagsasaayos ng mga ilaw sa daan upang maiwasan ang kadalasang aksidente.

Iginiit pa ni Inspector Asistores na kabilang din sa plano ang paglalagay ng sapat na signage sa daan at paghigpit ng alituntunin sa outer at inner lanes lalo na sa mga maliliit na sasakyan tulad ng motorsiklo na dapat ay nasa outer lane lamang ang mga ito.


Kadalasan pa umano na nagpapatakbo ng mabilis ang mga motorista sa Ramon national highway dahil sa matuwid at kahabaan nito na marami naman ang nagaganap na aksidente at karamihan sa mga biktima ay mga maliliit na sasakyan tulad ng motorsiklo na walang disiplina sa pagmamaneho.

Facebook Comments