Kakulangan sa Pagbawi ng Amnestiya, Kailangan Lamang na Sagutin ni Senator Antonio Trillanes!

Cauayan City,Isabela – Kinakailangan lamang na sagutin ang mga sinasabing kakulangan o dahilan kung bakit binawi ang ipinagkaloob na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes. Ito ang naging pahayag ni Atty. Randy Arreola, Board Member ng 3rd District ng Isabela.

Aniya kung hindi umano nagsumite ng aplikasyon ng amnestiya si Trillanes at ang umano’y hindi pag-amin ng pagkakasala ay nararapat lamang na maglatag ng kasagutan o ebidensya ang nasabing senador.

Sinabi pa ni Atty. Arreola na kung sakali na hindi parin umano dinggin ng tanggapan ng pangulo ang kanyang mga kasagutan ay maari siyang dumulog sa hukuman para mapatunayan ang mga sinasabing kakulangan kung kaya’t binawi ang kanyang amnestiya.


Samantala habang may sesyon umano sa senado ay hindi pwedeng arestuhin si Senator Trillanes ngunit marami parin umanong pwedeng gawin upang hindi lamang galawin ang senador kahit tapos na ang sesyon sa senado.

Matatandaan na inihayag ni Senate President Tito Sotto na nasa kustodiya ng senado si Trillanes matapos iproklama ni pangulong Duterte ang pagbawi sa amnestiya ni Trillanes.

Facebook Comments