KALABOSO! | 15-anyos na dalagita, ginahasa ng dalawang lalaki sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang magkapatid na lalaki matapos na gahasain ang isang 15-anyos na dalagita sa Pandi, Bulacan.

Ang isa sa mga suspek, stepdad ng biktima.

Kinilala ang mga suspek na si Dante Bagay Angeles na stepdad ng biktima at ang kapatid nito na si Ricky.


Noong isang taon pa raw inaabuso ng magkapatid ang biktima tuwing umaalis ang ina nito sa kanilang bahay.

Nakatakas naman ang biktima nang umalis ang dalawang suspek kaya at nakahingi ito ng tulong sa mga pulis.

Nang madakip, hindi itinanggi ni Dante ang akusasyon laban sa kaniya pero todo-tanggi naman sa mga paratang si Ricky sa sinabing idinamay lamang siya dahil kapatid niya ang suspek.

Facebook Comments