Manila, Philippines – Arestado ang dalawang katao matapos na magsagawa ng Entrapment operation ang mga operatiba ng Pasay City Police sa loob ng Fast Food Chain sa, Buendia Ave. Pasay City.
Nakilala ang mga suspek na sina Ismael Penaretondo Jr. 20 anyos residente ng 613 Protacio Street Pasay City at Kabe Bernadette Rivera 21 anyos residente ng 12 Eugenio Street M De la Cruz Pasay City.
Naaresto nina PO1 Dalisay at PO1 Tamaray ng Buendia PCP, Pasay City Police Station ang dalawa matapos na ireklamo ni Christopher Clint Far na humihingi ng tatlong libong piso kapalit ng nawawala niyang Black North Face Back Pack na may lamang ibat ibang seafarer documents at marked money na nagkakahalaga ng three thousand pesos.
Ang pagkaaresto nina Penaretondo at Rivera ay base na rin ng reklamo ni Christopher CIint Far na ang mga suspek ay nangongotong ng tatlong libong piso sa biktima kapalit ang nawawalang kagamitan nito noong August 08, 2018 bandang alas 3:00 AM.
Matapos matanggap ang report, ay agad nagsagawa briefing si P/Sr.Inspector Ricky L. Culanding at nagtungo ang kanyang mga tauhan sa Fast food chain sa Buendia at nang makakuha ng signal ay agad na inaresto nina P01 Dalisay at P01 Tamaray ang naturang mga suspek kung saan sinampahan na ng kasong Roberry Extortion ang dalawa sa Pasay Prosecutors Office.