KALABOSO | 7 illegal recruiter, arestado sa QC

Quezon City – Kalaboso ang pitong illegal recruiter, kabilang ang dalawang Japanese national sa Barangay South Triangle, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Salvador, Izzur Rosales, Izumihara Masarobu, Shikoku Kiyuto, Sheryl Manago, Michelle Chua Sy, Rona Torres, at Rolaida Arellano na empleyado ng Kansai training center

Ayon kay Superintendent Roque Merdegia, pinuno ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit, nakatanggap sila ng reklamong syndicated illegal recruitment laban sa mga suspek kaya sinalakay nila ang tanggapan ng training center.


Aniya, karamihan sa mga naging biktima ng mga suspek ay mula sa Davao, General Santos City at Leyte.

Hinihingan aniya ng mga suspek ang mga biktima ng P30,000 para makapag-training bago magtrabaho sa Japan.

Facebook Comments