MAGBUBUKAS | Landbank sa Metro Manila at sa mga piling lalawigan, magbubukas ngayong araw

Manila, Philippines – Magbubukas ang lahat ng branch ng Landbank sa Metro Manila at sa mga piling lalawigan ngayong araw.

Ito ay para ma-accommodate ang mga kliyenteng naapektuhan ng problema sa ATM at electronic channels ng Landbank.

Sa abiso ng Landbank, bukas ang kanilang mga branch mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon.


Maaring namang i-click ng mga customer ng Landbank ang link na www.landbank.com para makita ang mga branch nilang magbubukas.

Nabatid na mula Huwebes ng gabi nagkaroon ng problema ang lahat ng electronic channels ng Landbank at mga ATM sa buong bansa.

Facebook Comments