ROAD CRASH | 6 na nakaparadang sasakyan, inararo ng isang van

Quezon City – Inararo ng isang van ang anim na mga sasakyang nakaparadang sa Eugenio Lopez Drive sa Quezon City.

Kumakain lang noon sa mga establisyimento sa lugar ang may-ari ng mga nakaparadang sasakyan nang araruhin ng kulay silver na Starex van.

Sinubukan pa ng driver na tumakas at ninaharurot ang van pero naabutan rin ng mga pulis sa Quezon Avenue.


Aminado naman ang driver ng van na naka-inom siya.

Dinala sa Quezon City Traffic Sector 4 ang driver ng van para sa dagdag na imbestigasyon.

Facebook Comments