KALABOSO | Babae, timbog sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Arestado ang isang babae matapos mahulihan ng droga sa isang anti-illegal drugs buy bust operation ng QCPD sa Aurora Blvd. corner Benitez Street, Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Michelle Diego a.k.a. “Ate”, 30-anyos.

Nakuha sa kanya ang limang piraso ng sachet ng na naglalaman ng shabu at isang P500 na buy-bust money.


Si Diego ay nahaharap sa paglabag sa pagbebenta at pag-iingat ng bawal na gamot sa ilalim ng Article II of RA 9165.

Facebook Comments