HAUNTED DOLL | Isang manika sa Japan, usap-usapan matapos na humaba ang buhok at tubuan ng ngipin

53

Japan – Usap-usapan ngayon ang isang manika sa Japan dahil sa kakaibang kababalaghan na nangyayari ditto.

Ang manikang si Okiku na mas kilala sa tawag na “The Haunted Doll of Hokaido” ay nabili ng 17-anyos na binatilyong si Eikichi Suzuki noong 1918 at kanya itong iniregalo sa nakakabatang kapatid na babae na si Kikuko pero namatay ito sa hindi malamang dahilan.

Dahil dito, isinama ang manikang si Okiku sa puntod ng batang babae subalit makalipas ang ilang taon, napapansin ng mga magulang na unti-unting humahaba ang buhok nito.

Agad naman sinuri ng mga scientist ang buhok at nakumpirma nila na buhok nga ito ng isang batang babae.

Para makasigurong hindi gagawa ng anumang karahasan, ipinadala ang manika sa Mannenji Temple pero mas lalo naman kinalibutan ang mga monghe ng makitang tinutubuan na ng ngipin si Okiku.

Facebook Comments