INABANDONA | Sanggol, iniwan sa sementeryo sa Candelaria, Quezon

Candelaria, Quezon – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol matapos abandonahin sa isang sementeryo sa Masin, Candelaria, Quezon.

Tadtad ng kagat ng lamok at nilalagam ang bata nang matagpaun sa pagitan ng dalawang nitso.

Agad dinala sa pagamutan ang sanggol para mabigyan ng lunas kung saan ayon sa Candelaria PNP nasa 2 buwan pa lang ang nasabing baby.


Sa ngayon nagsimula na ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan sa nasabing biktima at mapanagot ito sa batas.

Facebook Comments